Normal dito sa AU ang maka-ilang take sa driving test bago makakuha ng lisensya. Kaya hindi nakakahiyang sabihin kung ilang beses ka kumuha ng practical test bago pumasa. Ako, naka-take two!
Bakit nga ba?
Hindi ako nagmamaneho sa Pinas pero may driver's license ako. (Only in the Phils.) (pero marunong akong magbisikleta, sumemplang pa nga ako ng bonggang-bongga, sa ibang araw ko na ikukwento). At isang linggo bago lumipad papunta dito saka pa lang ako nag-enroll sa isang driving school sa Bataan, mga 10hrs driving lessons lang sa automatic na kotse, (may nagsabi kase sa kin, tuturuan nya ko magmaneho pero...). Sa madaling salita, ang alam ko lang ay mag-start ng makina ng kotse at mag-drive sa derechong daan.
Pagdating dito, ang mahal ng pamasahe sa taxi. Ang isang byahe papunta sa trabaho ay 20AUD, kung balikan 40AUD na, sa isang linggo, 200AUD, sa isang buwan 800AUD. Kung 4 kayo maghahati-hati, 200AUD sa isang buwan (1AUD = 43PHP). Buti nga ngayon ginawa na kaming 4 na magkakasamang Pinoy sa isang shift dati kasi 3 lang, so yung 800/3 = 266.66AUD (11,466.667PHP sa isang buwan na pamasahe lang!).
May alternatibo naman, ang bus. pero kung day shift, 6am-2pm, ang unang byahe ng bus ay 7am, kaya dapat mag-taxi pagpasok, kung pauwi naman 230pm ang oras ng bus kaya dapat habulin ito (mula sa trabaho, mga kulang 2km ang dapat lakarin papuntang bus stop!). Kung maiwan ng byahe, ang kasunod na ay pagkalipas ng 30mins. Kung afternoon shift, 2pm-10pm. Ang bus na dapat sakyan at 11am at lilipat pa sa isang bus ulit na 1145am. Mahigit isang oras ang byahe sa rutang ito. Dadaan pa kase sa mga residential areas. Pagkababa, lalakad ulet ng kulang 2km papunta sa trabaho. Kung pauwi na, wala ng byahe ng bus kaya dapat mag-taxi na. Kung night shift naman, 10pm-6am, wala ng byahe ng bus papasok kaya taxi na, pauwe naman 7am ang byahe, makakarating ka ng bahay pasado 8am na.
Ginawa namin ito ng ilang buwan. Tiniiis ang maglakad sa init ng araw, tumakbo dahil maiiwanan ng bus, at maghintay ng kulang 2oras para sa taxi. Dahil syempre, nagtitipid kami at nag-uumpisa pa lang.
Meron pa pala, ang tren na ang layo sa trabaho ay mga 4km at ang layo ng istasyon sa aming lugar at may 7km. Sinubukan namin minsan, at isinumpang hindi na uulitin. (hahaha!)
Mabalik tayo sa pagmamaneho ko. Mula sa bahay papuntang trabaho kung may kotse ay 7km lang ang layo, wala pang 10mins i-drive. O di ba, ang lapit lang kung tutuusin. Hindi makatwiran ang ganung gastos sa pamasahe sa taxi at ang bus ay kumakain ng malaking oras. Kaya pinuwersa ko ang sarili kong matutong magmaneho dito at magkaroon ng sariling sasakyan. Baligtad ang road orientation nila dito, in short, right hand drive sila. Kaya nga bonggang-bongga ang pagkalito ko sa pagtawid pa lang.
Huling linggo ng Enero ako nag-enroll sa isang driving school dito, 52AUD ang isang oras na lesson, ang mahal di ba,investment na nga. Bukod pa sa practical exams, dapat makapasa muna sa written exams. May practice written exams naman online kaya madali lang. Ang instructor ko na si Stefan ay isang French na tumira na dito for 16years. naka-7 driving lessons ako sa kanya bago nya ko pinakuha ng practical.
At sa unang subok nga, lagpak! May naka-double park, may padating na sasakyan at hindi ako huminto para paunahin syang makadaan, dahil dun ako sa linya nya dadaan, kaya dapat mauna sya. Si Examiner ko ang nag-foot break! Ayos!
Lahat ng pwedeng pagpawisan sa katawan ko, pinagpawisan na. Grabe pagka-black out ng utak ko! Susme naman! Kung ganito ka-gwapo ang examiner! Di ka ba matutulala? matataranta? at pagpapawisan ng husto?
David Boreanaz |
Sabi ni Stefan, "You were mesmerized, darl!" (Tama sya!) (^o^,)
Yung pangalawa kong take, ma-jonda na ang examiner, kaya deadma na lang! hahaha!
No comments:
Post a Comment