Wednesday, August 24, 2011

Wala Na?

Ang saya nyo sa mga pictures.
Ang gaganda ng mga ngiti. Habang iniisa-isa ko, di ko namalayan tumutulo na pala ang luha ko. Nag-umpisa ng manlamig ang mga palad ko. Nanginig ang buo kong katawan. (Ganito reaksyon ng sistema ko kapag matindi ang emosyon). Kaya nga hindi na ko madalas tumambay sa FB. Wala nga kong profile pic eh. Pero bago ako umalis ng Pinas, sa buong akala ko papawiin ng FB world ang homesickness ko, pero naiba na ang mga kwento.




May hinahanap ako sa mga pictures, huli ko pang nakitang yun nung December last year
pero matapos yun, sa mga sumunod na pictures, wala na. Pero hanggang ngayon pilit ko pa ring hinahanap, nagbabakasali baka nasa 'yo pa. Pero wala na talaga eh, naitapon na ba o tinapon?

Di ko na nakita sa mga pictures mo na nasa 'yo pa ako...

Wala na ba talaga?