Sunday, May 29, 2011

Sa Ibang Mundo

Pitong bote ng Vodka Cruiser,
Kulang pitong buwan buhat ng malayo.
Walang tricycle o motorsiklo para maghatid,
Naglakad sa kalamigan, mag-isa.


Di tulad ng dati.
Wala ng dati.
Nasa ibang mundo.
Nasa ibang mundo.

Walang nakakaalam
Walang sinuman.
Tanging ang apat na sulok ng silid.
Kublihan ng lahat.

Sana...
kahit mabasa mo lang
... masaya na ko...
sa ibang mundo,
sa sarili kong mundo...