I used to think that the ability to drop everything is the measure of how much you love someone. But it's not. Over the years, I came to realize that the true measure of how much you want someone is not how you make him your world. Rather, it's how you weave him into yours...
Sunday, October 10, 2010
Which shoe fits?
Which shoe fits?
Message:
1. The overused shoes
When I went to Davao for Christmas vacation in 2001, I found what I think was the best shoes I've ever had. It was a blue and white slip-ons with a flower on its strap. Margay ang tatak niya. Ang tagal ko na naghanap ng blue na kikay slip-ons at doon ko lang sa Gaisano Davao nahanap iyun. And I bought the shoes for 500 lang! Feeling ko pa, swerte ako dahil last pair na iyun. And it was my size!
Sobrang natuwa ako sa kikay kong sapatos. At napakalambot niya! I wore the shoes everyday because they would match anything... denim, slacks, capri pants, skirt, dress. Gamit ko siya in the office, at the mall, in church, even at the beach!
Dahil araw-araw ko siyang nagamit, at nasuot ko na siya sa kung saan, it was expected na wala pang isang taon ay sira na siya. Sabi ko, okay lang. May Margay naman sa Robinsons saka sa
Landmark, siguro naman may ganoong style pa sila. Ngunit napuntahan ko na lahat ng
display ng Margay pero wala akong nakitang katulad nang nabili ko sa Davao. Nakadalawang uwi na ako sa Davao at pumupunta ako sa Gaisano, umaasang may makikita akong ganoon
klaseng sapatos. Hindi na nga ako naghahangad ng eksaktong ganoon eh. Kahit na kamukha lang o kasing-lambot lang, okay na. Kaso wala.
Iyong kikay blue Margay na slip-ons ko -- na malambot at may naka-angat na bulaklak sa strap, na bagay sa kahit anong damit ko -- ay sira na ngayon. Hindi lang siya sira, nangingitim na sa dumi, at hindi na kayang i-glue ang punit na talampakan. Pero hindi ko pa siya maitapon-tapon. Hindi ko alam kung bakit. Alam ko hindi ko na siya maisusuot uli, pero may reminder naman
ako na once upon a time, I had a perfect pair of shoes. Hindi ko nga lang inalagaan.
Lesson learned:
Kapag nahanap mo na ang bagay o tao na sa tingin mo ay perfect na para sa iyo, ingatan at alagaan mo. Huwag mong abusuhin. Kapag nawala sila, baka wala ka nang mahahanap na kapalit. At habambuhay mo na lang iisipin na "sana, inalaagaan ko siya."
2. The "maganda siya pero masakit" shoes
May fini-fit ako noon na sapatos sa Celine. Okay lang ang presyo. Maganda ang material. Kikay ang hitsura. At kapag suot ko, nakaka-sexy ng paa. May isang problema nga lang... masakit sa paa.
Pero cutie kasi siya eh. Saka on sale. At sadyang matigas ang ulo ko. Kaya ayun, binili ko.
Sa umpisa, okay lang naman. Keri ko. Saka masakit naman talaga sa paa ang bagong sapatos. Pero habang lumilipas ang oras, lalong sumasakit. Hindi siya meant sa pangmatagalang suot. Habang suot ko siya, parang gusto kong umiyak sa tuwing humahakbang ako. Pagdating ko ng bahay, puro sugat at galos ang paa ko. At ilang linggo din akong may peklat sa paa dahil sa
diyaskeng sapatos na iyun.
Kapag sa umpisa pa lang, alam mo na masakit na sa paa at hindi mo puwedeng suotin ng matagalan, huwag mo nang bilhin. Bakit mo pa itutuloy kung alam mong masasaktan ka lamang kapag sinuot mo?
Parang pakikipag-relasyon din iyan eh. May mga lalake na good on paper, bagay sa iyo, tipo mo nga eh. Ang kaso, panandalian lang siya. "Boylet" lang kasi unavailable siya. Bakit mo pa itutuloy
kong alam mong eventually ay masasaktan ka lang? Sana, habang maaga pa, iwasan mo na.
Lesson learned:
Kung sa umpisa pa lang, alam mo na masasaktan ka lamang sa bandang huli, huwag mo nang ituloy. Baka mag-iwan pa iyan ng scar na hindi mo na maaaalis kailan man.
3. The shoes that got away
May nakita akong magandang sandals sa Landmark. Mura lang, less than 500 lang siguro. Kakaiba din siya kasi hindi siya iyong style na makikita mo sa babaeng katabi mo sa MRT. Black and white siya. Polka dots ang strap niya pero hindi cheap ang dating. Ang kikay nga eh. tapos, two inches iyong heels niya. Sinukat ko minsan, ang ganda sa paa!
Kaya lang, hindi ko siya binili. Kasi, kakaiba siya eh. Mahirap hanapan ng ka-match na damit at bag. Saka kakabili ko lang kasi ng isang sandals kaya sabi ko, next pay day ko na lang bibilhin ang polka dots na sapatos na yun.
Madalas akong dumaan sa Landmark at nakikita ko ang sapatos na gusto ko bilhin pero hindi ko mabili-bili. Ilang pay day na ang dumaan pero hindi ko pa rin siya kinukuha para iuwi. Hanggang sa dumating ang oras na kailangan ko ng isang kikay na sandals na may print. Naisip ko agad ang
polka-dots na matagal ko na gusto bilihin. Pero pag-punta ko sa Landmark, wala na siya doon. Naubos na. Ang ending, napabili ako ng ibang printed na sapatos na hindi ko naman talaga gusto pero wala akong choice kasi kailangan ko na nga.
Lesson learned:
Kung magpapaligaya sa atin ang isang bagay, seize the day! Sa kaka-delay, baka mawala lang sa atin ito at mauuwi tayong nagse-settle sa hindi naman talaga natin gusto. Mas mahirap pagsisihan ang mga bagay na hindi mo ginawa. Wala na yatang mas masakit pa sa thought na abot-kamay mo na lang, pero pinalampas mo pa.
Sino ba naman mag-aakalang may mapupulot pala akong leksyon sa mga sapatos? Kaya nga panay bili ko eh, para mas marami pa akong matutunan. Sa susunod, I will find lessons from bags naman para ma-justify din kung bakit sandamakmak ang bags ko.
- anonymous -
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment