Tuesday, May 12, 2009

Sinigang sa Miso

Hindi ako mahilig kumain ng isda na may sabaw...
Kahit madalas magluto si Mama ng paksiw na isda...
Never ko yung tinikman...
At kahit pa sweet and sour na lapu-lapu...
Iisnabin ko lang yun...

Ilang putahe lang naman ang alam lutuin ni Mama...
Kahit pa authentic kapampangan sya...
Tinola, Nilaga, Pakbet, Menudo, Beefsteak...
At lahat ng klase ng Sinigang...
Sinigang na Isda o Baboy...
Sa Bayabas, Sampalok o Kamias...

Pero sa lahat ng Sinigang na niluluto nya...
Ang paborito ko, eh, yung Sinigang na Bangus sa Miso...
Oo! Sinigang na Bangus sa Miso...
Isda yun na may sabaw...
Isang gitnang hiwa ng bangus eh okay na sa kin...
At isang mangkok na sabaw...
Mainit... maasim... masarap...
Walang katulad...

At sa tuwing uuwi ako sa min...
Yun ang unang ulam na inihahanda nya...
Kasi alam nya, higit sa lahat paborito ko yun...
Pero bago maluto...
Hihingi muna sya ng pambili ng bangus sa kin...

I miss home...

1 comment:

  1. U have no idea how u made me miss home more..... :-(

    ReplyDelete



Free counters!