Monday, November 24, 2008

Why I like Bob Ong

my top Bob Ong's wisdom...


"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."


"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."


"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."


"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."


"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?


"Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa... kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga ang una."

"Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

No comments:

Post a Comment



Free counters!